Illegal logger, tiklo sa ‘hot logs’
@Balitang Probinsiya | October 01, 2023
ROMBLON -- Isang illegal logger ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng mga "hot logs" na nakakulan sa isang bangka kamakalawa sa dagat na sakop ng bayan ng San Fernando sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Ruado Amabli, residente ng naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) si Amabil na nakasakay sa isang bangka na may lulan na mga tabla kaya sinita ito at hinanapan ng mga kaukulang dokumento.
Nang walang maipakita, ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek at kinumpiska ang mga tabla na nagkakahalaga ng mahigit P200,000.
Nakapiit na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments