Ilang ospital, pababa na nang pababa ang naitatalang COVID-19 admission
- BULGAR

- Nov 25, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021

Mayroong mga ospital na wala nang naitatalang pasyente na may COVID-19 at ang iba naman ay mangilan-ngilan na lang.
Sa Jose N. Rodriguez Memorial (Tala) Hospital and Sanitarium sa Caloocan, may mga araw na wala nang pumapasok na COVID-19 patient habang minsa'y isa lang ang admission.
Ganu’n din ang sitwasyon sa St. Luke's Medical Center sa Taguig, na may 11 COVID-19 patient, habang sa Quezon City branch nito ay 9 ang nasa COVID-19 ward at walang pasyente sa intensive care unit.
Samantala sa Cavite, noong nakaraang linggo, sa unang pagkakataon, ini-report ng rural health unit ng Kawit na walang naitalang aktibong kaso ang bayan.
Sa Binakayan Hospital and Medical Center sa Kawit, halos isang linggo nang walang COVID-19 patient.
Nitong Miyerkules, naitala ng Pilipinas ang pinakamababang bilang ng active COVID-19 cases ngayong 2021, na 17,864, ayon sa Department of Health (DOH).








Comments