Search
  • BULGAR

Ilang Kapamilya star, emosyunal na nagpasalamat sa lahat

ni Lolet Abania | July 01, 2020


Photo: official juday ph



Bumaha ng emosyon sa social media ng mga Kapamilya artist na nagpapahayag ng kalungkutan sa kinahinatnat ng ABS-CBN franchise renewal at tuluyang pag-shutdown nito.


Sa isang virtual press conference ng show ni Judy Ann Santos, “Paano Kita Mapapasalamatan”, kita ang labis na pagka-miss ng aktres sa taping setup, mga kaibigan, cast at crew. Umiiyak niyang sinabi, “Alam mo siguro ‘yung mga kaibigan namin, ‘yung makapagpasalamat talaga sa kanila. Alam mo ‘yung realization na ‘pag natapos talaga lahat ng ito at puwede ko nang yakapin ang mga mahal ko sa buhay, every single time na makikita ko sila, yayakapin ko at magpapasalamat ako ng bonggang-bongga kasi hindi na talaga alam ang mangyayari sa kinabukasan.”


Nagpasalamat din ang “Love Thy Woman” actress na si Ruffa Gutierrez, “I feel grateful because I’m alive, my family’s together, I breathe fresh air. I feel grateful na nakakain kami, walang nagkakasakit sa’min. I thank the Lord… First time na nag-break down ako nu’ng nag-shutdown ang ABS – bilib na bilib ako sa lahat ng mga taga-ABS.”

“Kahit anong tests lahat malalampasan,” sabi ni Zsa Zsa Padilla.


Para kay Sunshine Cruz, mapalad siya dahil sa lahat ng kanyang mahal sa buhay ang ligtas kahit pa may pandemya. “Blessed ako kasi lahat ng mahal sa buhay ko, very healthy. At tama, nakakain kami sa oras ng mga anak ko… Ngayon ko na-realize ang mga mamahaling sapatos, bag, ‘di mahalaga. Ngayon ko naramdaman na mahal ako ng pamilya ko. Ang dami lang talagang ipagpasalamat. Dapat lang maging thankful ka, small or big blessings man ang dumating.”


Maging si Yam Concepcion ay hindi napigilang umiyak na nasabi lamang, “Honestly, I’m a little lost.” Gayundin, si Christopher de Leon ay naiyak subalit Malaki pa rin ang kanyang pasasalamat.


“Di bas a movies lang ito nangyayari? But, thankful ako na buhay ako, na healthy ang family ko at may communication pa rin. Walang trabaho ng three months but very appreciative ang pamilya satin,” naluluhang sabi ni Eula Valdez.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.