Ikalawang pag-a-abroad, nakatala sa palad ng seafarer na palpak ang unang sampa sa barko
- BULGAR

- Nov 9, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| November 9, 2020

KATANUNGAN
Kakababa ko lang sa barko dahil sa pandemya, at ngayon, unti-unti nang nauubos ang ipon naming mag-asawa, kaya nag-iisip ako ng ibang pagkakakitaan dahil hindi pa naaaprubahan ‘yung panibagong application ko.
Nais kong malaman kung matutuloy pa ba ako sa abroad o pagbabarko kung sakaling naging normal ang panahon, kung sakaling matuloy ako, may maganda na bang mangyayari sa akin sa barko at hindi na muling magkakaabeyra?
Sa ngayon, may asawa na ako at isang anak at nangungupahan lang kami. May pag-asa rin bang matupad ang aming pangarap na magkaroon ng sariling lupa at bahay?
KASAGUTAN
Kapansin-pansing agad namang luminaw, lalong humaba at gumanda ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa sandaling naging normal na ulit ang lahat at puwede na muling sumampa sa barko ang mga kagaya mong seafarer, tiyak ang magaganap.
Kung ang nakaraang pag-a-abroad mo ay medyo pumalpak dahil sa pandemya, sa panahong ito ng iyong buhay, sa edad mong 32 pataas, mas magiging produktibo at masagana na ang iyong magiging kapalaran sa larangan ng career at pangingibang-bansa, na madali namang pinatunyan ng gumanda at naayos ding lagda na nagtapos sa tuwid na guhit. Ibig sabihin, habang nagkakaedad at tumatanda ka, paganda rin nang paganda ang iyong kapalaran, lalo na sa career at aspetong pangkabuhayan.
DAPAT GAWIN
Adrian, ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang magaganap sa 2021, sa Mayo o Hunyo, pinakamatagal na sa buwan ng Hulyo o Agosto. Sa ikalawang pagkakataon, may ikalawang mas produktibo at mabungang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran at ang pag-a-abroad na ito ay siya na ring magiging simula upang ang iyong tadhana sa larangan ng materyal na bagay at aspetong pagkakaperahan ay tuluy-tuloy nang umasenso at lalo pang lalago hanggang sa kusang matupad ang pangarap n’yong mag-asawa na makapagpundar ng sariling lupa at bahay (Drawing A at B. H-H arrow b.), na magsisimulang matupad sa 2025, sa edad mong 36 pataas.




Comments