ICC, iimbestigahan na ang drug war ni Pangulong Duterte
- BULGAR

- Sep 16, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021

Inanunsiyo ng International Criminal Court (ICC) na sisimulan na nila sa Oktubre ang pag-iimbestiga sa kampanya sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinayagan na umano ng Pre-Trial Chamber ang hiling ng ICC Prosecutors na ituloy na ang imbestigasyon ng drug war sa bansa mula Hulyo 2016 nang maupo si puwesto si Pangulong Duterte hanggang Marso 16, 2019 nang mag-withdraw ang Pilipinas mula sa Rome Statute.
Sakop ng imbestigasyon ang patayan sa Davao City mula Nobyembre 2011 hanggang Hunyo 30, 2016 kung saan nakaupong alkalde at vice mayor ang pangulo noon.
Isa umanong paglabag sa karapatang pantao ang nasabing mga war on drugs kahit na ilang beses na sinabi ng mga otoridad na ito ay legal na operasyon, ayon sa ICC.








Comments