HVT sa droga, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | October 22, 2022
LAGUNA—Isang HVT (High Value-Target) sa droga ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Parian, Calamba City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Edwin Garcia, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Garcia, kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay ay dito nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba at sa ngayon ay sinampahan na siya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments