HVT sa droga, timbog sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | March 12, 2021
ZAMBALES—Isang high-value target (HVT) sa droga ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pamatawan, Subic.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ireneo Quimen, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, naaresto si Quimen sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng 20 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Quimen.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments