HVT sa droga tiklo sa shabu at boga
- BULGAR
- Apr 4, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 4, 2023
LAGUNA—Isang HVT (high value-target) sa droga ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, isang baril at mga bala kamakalawa sa Bgy. San Jose, San Pablo City sa lalawigang ito.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa pangalang "Dunhill" habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga operatiba ng 600 gramo ng shabu, isang baril at mga bala sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.



Comments