HVT sa droga, tiklo sa drug-bust
- BULGAR
- Sep 9, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 9, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang lalaki na High-Value Target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion 1, Sagay City sa lalawigang ito.
Ang inarestong suspek ay nakilalang si Ranuldo Sayson, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments