HVT sa droga tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 11, 2022
NEGROS OCCIDENTAL—Isang HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. 5, San Carlos City.
Ang suspek ay nakilalang si Joseph Pasigay, 45-anyos, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments