HVT sa droga tiklo sa drug-bust
- BULGAR
- Nov 13, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 13, 2022
PALAWAN—Isang HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Manuel, Puerto Princesa City.
Ang suspek ay nakilalang si Jerwin Dacer, 23-anyos, residente ng Bgy. San Miguel sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments