HVT sa droga, tepok sa shootout

@Balitang Probinsiya | November 29, 2020
CAMARINES SUR—Isang high-value target (HVT) sa droga ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Penafrancia, Naga City.
Ang suspek ay nakilalang si Roman Austria, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba si Austria sa drug-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu, baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments