top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HVT sa droga, patay sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 15, 2020



North Cotabato—Isang high value target (HVT) sa droga ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Matalam.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Randy Montano, nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay at nang aarestuhin na si Montano ay biglang pinagbabaril ng suspek ang pulisya.

Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, mga bala at pakete ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page