HVT sa droga natiklo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2023
ALBAY — Isang HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bitano, Legazpi City sa lalawigang ito.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na ‘Noli’ habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 25 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments