HVT sa droga, nasakote
- BULGAR
- Dec 20, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 20, 2021
SORSOGON--Isang HVT (high value target) na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Julian, Irosin.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Michael Salvador, 32-anyos at residente sa naturang bayan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at nang pagbentahan ni Salvador ng marijuana ang mga awtoridad ay dito na siya inaresto ng pulisya.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments