HVT sa droga, nasakote
- BULGAR

- Feb 3, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 3, 2021
PAMPANGA—Isang high-value target (HVT) sa droga ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. San Isidro Matua, Masantol.
Ang suspek ay nakilalang si Michael Guevarra, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya sa nabanggit na lugar.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments