HVT sa droga huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 19, 2023
NUEVA ECIJA—Isang HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Roque Norte, Cabanatuan City.
Ang suspek ay nakilalang si Francis Garcia, 29-anyos, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments