HVT sa droga, arestado sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | November 23, 2020
TACLOBAN CITY—Isang high value target (HVT) sa droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. 110 Utap.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito upang madakip ang iba pang kasamahan nito sa sindikato ng droga na nag-o-operate sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan upang maaresto ito sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na pakete ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments