HVT sa droga, arestado
@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2024
BACOLOD CITY -- Isang High-Value Target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Purok Goopio, Brgy. Villamonte sa lungsod na ito.
Ang inarestong suspek ay kinilalang si Deniis Cardenas, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga otoridad sa nasabing lugar matapos na pagbentahan nito ng droga ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng shabu.
Nakakumpiska ang pulisya ng 65 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments