HVT sa droga arestado
@Balitang Probinsiya | April 26, 2023
CAPIZ—Isang high-value target sa droga ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Banica, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ismael Antonino, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga operatiba ng 55 gramo ng shabu, drug paraphernalia at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments