HVT sa droga, arestado
@Balitang Probinsiya | November 30, 2021
ISABELA—Isang HVT (high value target) na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Dist. 1, Cauayan City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ernesto Ogoy, residente ng Bgy. Bustamante, Luna sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa nabanggit na barangay at nang pagbentahan ni Ogoy ng shabu ang mga awtoridad ay dito na siya inaresto ng pulisya.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 60 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments