HVT arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 1, 2022
BATANGAS—Isang HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion 2, Sto. Tomas City.
Ang suspek ay nakilalang si Akrima Pagador, 37-anyos, tubong North Cotabato at residente ng Bgy. Bucal, Calamba City, Laguna.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments