top of page
Search
  • BULGAR

Huli na nang malaman… Bebot, nagpakasal sa lalaking pamilyado

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | Ika-1 Araw ng Abril, 2024



Dear Sister Isabel,



Ang problema ko ay ang aking asawa. Kakakasal lang namin, ngunit huli na bago ko matuklasan na may unang babae na pala siyang pinakasalan at may 2 anak na sila.


Ayaw niyang aminin sa akin, ngunit natunton kami ng first wife niya at pinakita sa akin ‘yung marriage contract nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Hihintayin ko ang payo n’yo.



Nagpapasalamat,

Vilma ng Cavite



Sa iyo, Vilma,


Hindi legal ang kasal n’yo dahil may nauna na pala siyang pinakasalan. Nasa sa iyo ‘yan kung papayag ka na dalawa kayo sa buhay ng asawa mo. Kung ayaw mo naman na maging kabit, hiwalayan mo siya. Pero, kung sadyang mahal mo siya, nasa sa iyo ‘yan.


Ikaw ang nakakaalam kung ano ang makakagaan sa kalooban mo. Malaya kang magpasya. Hangad ko na gabayan ka ng hoĺy spirit sa pagpapasya mo.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page