'Hugot boy' na si Williams, ipinagmamalaki ng Celtics
- BULGAR

- Jul 15, 2020
- 1 min read
ni ATD - @Sports | July 15, 2020

Ipinagyayabang ni Boston Celtics shooting guard Marcus Smart ang kanilang bagong sandata sa kanilang koponan.
Inihayag ni Smart na malupit at malaki ang maitutulong ng kanilang hugot na si Rob Williams sa asam ng team na masikwat ang titulo ngayong taon.
“No offense to the other guys on our team,” pahayag ni Smart. “But Rob is a different type of freak of nature when it comes to athleticism and ability to go and change shots at the rim.”
Ganap ng naka-recover ang 22-anyos na big man mula sa kanyang injury kaya naman gumagawa na agad siya ng ingay sa kanilang ensayo. “The game has definitely slowed down for him,” ani Smart. “You can tell, just seeing him, he looks ready and healthy to me."
Nakatakda ang restart ng 2019-20 NBA season sa July 30 kung saan ay 22 teams lang ang makapaglalaro.
May tig-walong laro sila at pagkatapos ay sasampa sa playoffs ang top 8 sa Eastern Conference at Western Conference.
Samantala, magkakaroon muna ng 7-day exhibition games bago ilarga ang NBA.





Comments