top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Hs student, binugbog ng 5 bagets

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 25, 2023


ALBAY -- Isang 16-anyos na high student ang binugbog ng limang kabataang lalaki kamakalawa sa Bgy. Humapon, Legazpi City sa lalawigang ito.


Dahil menor-de-edad ang biktima at ang limang suspek ay hindi na sila pinangalanan ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nakursunadahan ng mga suspek ang biktima na bugbugin sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na agad rumesponde ang mga barangay tanod kaya tumakbong patakas ang mga suspek.


Ginagamot na ngayon ang biktima sa ospital sa tinamo nitong bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan, samantalang inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong serious physical injury laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page