Hot logs, nasabat
@Balitang Probinsiya | July 12, 2023
ROMBLON -- Narekober ng mga awtoridad kamakalawa, ang inabandonang mga “hot logs” o mga punong-kahoy na ilegal na pinutol sa kabundukan ng bayan ng San Fernando sa lalawigang ito.
Ang nasabing “hot logs” ay nakuha ng mga awtoridad sa baybaying-dagat ng Bgy. Mabolo sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga kalalakihan na nagdala ng mga pinutol na punong-kahoy sa baybaying-dagat sa naturang lugar kaya agad rumesponde ang mga operatiba, pero nakatakas ang mga suspek.
May hinala ang mga awtoridad na ang mga pinutol na punong-kahoy ay isasakay sa bangka para mailabas sa nasabing bayan.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang mga suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments