top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Hot logs' narekober

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 28, 2023


ROMBLON — Narekober ng mga awtoridad kamakalawa ang inabandonang mga "hot logs" o mga punong-kahoy na illegal na pinutol sa kabundukan ng bayan ng San Fernando sa lalawigang ito.


Ang nasabing mga "hot logs" ay narekober ng mga awtoridad sa baybaying-dagat ng Bgy. Campalingo sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga kalalakihan na nagdala ng mga pinutol na punong-kahoy sa baybaying-dagat sa naturang lugar kaya agad rumesponde ang mga operatiba, pero nakatakas ang mga suspek.


May hinala ang mga awtoridad na ang mga pinutol na punong-kahoy ay isasakay sa bangka para mailabas sa nasabing bayan.


Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page