‘Hot log’ narekober
- BULGAR
- Aug 28, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 28, 2023
CAGAYAN -- Narekober ng mga awtoridad kamakalawa ang inabandonang mga “hot logs” o mga punongkahoy na ilegal na pinutol sa kabundukan sa bayan ng Baggao sa lalawigang ito.
Ang nasabing mga “hot logs” ay narekober ng mga awtoridad sa kabundukan ng Bgy. Sta. Margarita sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga abandonadong putol na kahoy sa naturang lugar.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga awtoridad at kinuha ang mga putol na punongkahoy at dinala sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa lalawigan.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments