Horoscope | Oktubre 22, 2020 (Huwebes)
- BULGAR

- Oct 22, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 22, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 22, 2020 (Huwebes): Tutukan mo ang pagpapayaman dahil tiyak na yayaman ka. Iwasan mo ang mga alam mong inggit lang sa iyo. Ito rin ay nagsasabing mabilis kang yayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilabas mo ang matagal nang itinatagong metal na bagay na nagustuhan mo. Ito ngayon magsisilbing pinakaepektibong pampasuwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Baguhin mo ang ayos ng mga gamit sa sala ng bahay mo at isunod mong bigyan ng bagong kaayusan ang kusina. Gawin mo dahil ‘pag ginawa mo ito, magdadatingan ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nalabanan mo ang mairita sa iyong mga naririnig mula sa taong nagdudunong-dunungan, ang malalaki at magagandang kapalaran ay ihuhulog ng langit sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong patulan ang mga walang magawa kundi ang mamintas ng kapwa. Mas magandang kontrolado ang sarili kaysa labanan at talunin ang mga walang kuwentang nilalang. Masuwerteng kulay-violet.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bubuhos sa kapalaran mo ang napakaraming pagpapala at biyaya kapag pinakitaan mo ng maganda ang kontra nang kontra sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang malapit sa iyo, sa kanila manggagaling ang mga suwerte mo. Bilang pasasalamat sa kanila, mas magandang sama-sama kayong magsaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi hadlang sa iyo ang malakas na ulan at matataas na pagbaha sa pagpapasaya sa kapwa. Iba na ang mundo ngayon, may mga komunikasyon na nagagamit kahit nasa bahay lang. Masuwerteng kulay-brown.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagdaratingan na ang bagong magagandang kapalaran mo. Ang kasalukuyang batbat ng mga suliranin ay mapapalitan ng maraming bukas na punumpuno ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-white.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nawawala ang mga bituin sa langit, natatakpan lang ito ng mga ulap. Mananatiling maganda ang takbo ng buhay mo kahit may mga pag-aalala at pangamba ka. Masuwerteng kulay-green
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat at kakaiba ang paraan para lapitan ka ng mga suwerte. Sinasabing kapag ang iyong orasan-de-kamay ay inilagay sa kaliwa kung ikaw ay kanan, bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-yellow.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung lalabas ka ng bahay, dalhin mo ang iyong gamit na may palawit o magsuot ka ng alahas na may palawit. Gawin mo dahil ito mismo ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tayo, upo at lakad, balik, ganu’n nang ganu’n at magugulat ka dahil magbabago ang takbo ng buhay mo kung saan magdaratingan ang magagandang oportunidad na magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.




Comments