ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 22, 2024
![Horoscope](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_40554b57cb2c44519c068319e747153e~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/bd1fd9_40554b57cb2c44519c068319e747153e~mv2.jpg)
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 22, 2024 (Sabado): Huwag kang magpapagamit sa iba. Kung may gumamit man sa iyo, dapat mas makinabang ka kaysa sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magtampo. Yakapin mo ang unawa, dahil ito ang susi ng mapayapang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-18-27-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tahol lang naman nang tahol ang aso. Huwag mong pansinin ang mga taong nagpapapansin sa iyo, dahil wala naman silang magagawa kundi ang mainggit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-21-28-30-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Magmadali ka, maraming magagandang oportunidad ang nag-aabang sa landas ng buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-23-29-33-45.
CANCER (June 21-July 22) - Maramdamin ka sa mga araw na ito. Madali kang maiirita lalo na kapag ang kausap mo ay mahina ang ulo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-7-19-25-32-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang ayaw mo, iyon ang mangyayari. Ito ang patunay na langit ang higit na nakakaalam kung ano ang mas makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-20-22-31-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag kumilos ka ng tahimik, mabilis kang aasenso. Hindi mapapansin ng mga taong nasa paligid mo lalo na ng mga inggitera na malayo na ang iyong nararating. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-17-26-28-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa tingin, iyon ang piliin mo. Hindi ka katulad ng marami na nagkakamali sa pagpili gamit ang kanilang paningin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-15-24-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ipilit ang gusto mo. Ayon sa gulong ng iyong kapalaran, kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte na ang ibig sabihin ay kahit hindi mo pahirapan ang sarili mo, papalarin ka pa rin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-28-35-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi susunod sa kagustuhan mo ang mga taong matitigas ang ulo. Mas maganda kung ‘wag mo na lang silang kausapin upang ‘di na rin gumulo ang buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-27-31-41-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa at kakaiba ang mga paraan kung paano ka sususuwertehin. Ang pagsusuot ng sapin sa paa, ang magbibigay sa iyo ng senyales ng isang napakalaking suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-29-35-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawak mo ang kapalaran mo. Kung ano ang ikilos mo, iyon ang mangyayari. Pero kung hindi ka kikilos, walang magbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-25-32-37-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipahayag mo ang saloobin mo, huwag mo itong kimkimin upang ‘di bumigat ang iyong dibdib. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-20-28-34-40.
Comments