Horoscope | Abril 27, 2025 (Linggo)
- BULGAR

- Apr 27, 2025
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 27, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 27, 2025 (Linggo): Anumang hamon ang kaharapin mo ngayon, mananalo ka pa rin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang araw na ito na ang katuparan ng iyong mga ambisyon ay magkakaroon na ng linaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-23-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag naduwag ka, talo ka. Hindi ka dapat pagharian ng mga negatibong pananaw. Sa ganitong sitwasyon, tiwala sa sarili at tapang ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-16-20-28-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking suwerte ang mapapasaiyo, lalo na kung itutuloy mo ang mga plano mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-22-24-39-43.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang tapang ang iyong madarama. Mas magandang gamitin mo ito sa pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-8-21-26-32-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang magtanong. Bago ka kumilos, kailangan may sapat ka munang kaalaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-25-31-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo ang mga nangangailangan. Ito ang dapat mong gawin ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-20-27-37-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nakaranas ka ng matinding pagkontra sa kagustuhan mo, lihim kang matuwa dahil ito mismo ang kondisyon bago dumapo sa iyo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-19-23-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung may maliit kang kita, okey na ‘yun! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-16-24-38.-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ang masusunod ngayon. Kaya huwag mong sayangin ang magagandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-18-26-34-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapasaiyo ang gusto mo kapag naging makulit ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-22-28-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabay-sabay na dadapo sa kapalaran mo ang mga suwerte. Huwag mong kalimutan na ang mga biyaya ay iniingatan at pinahahalagahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-20-26-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaaring hindi mo gusto na pinapangunahan ka, pero kung sino ang laging nangunguna sa pagpapasya mo, siya mismo ang may dalang suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-29-34-38-42.





Comments