Horoscope | Abril 26, 2025 (Sabado)
- BULGAR

- Apr 26
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 26, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 26, 2025 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Sa katunayan, nakakamanghang kapalaran pa nga ang mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mas makakabuti kung susunod ka sa lumang patakaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-9-12-14-37-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Naaantala ang maganda mong kapalaran dahil sa iyong pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-20-31-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Humihina ang katawan kapag kilos nang kilos. Kung gusto mong magpatuloy pa rin, maghinay-hinay ka lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-27-30-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Kaya hindi ka dapat matakot at panghinaan ng loob. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-31-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit pa may pinagkakaabalahan ka, magsimula ka pa rin ng bago. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-26-29-40-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka na may kasamang layunin. ‘Wag kang tumulad sa iba na napakaraming gusto kaya nabibigo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-27-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maraming alam ang mga taong maiksi kung magsalita, habang nagkukunwari namang matalino ang walang tigil sa kakasalita. Ito ang gawin mong batayan sa pagpili ng iyong makakasama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-22-28-31-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi kamalasan ang paminsan-minsang paghina ng kita. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-15-30-41-43-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Awatin mo ang sarili mo na magpakita ng pangit na pag-uugali sa mga taong kumokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-13-17-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malalakas na kaba ang mararamdaman mo. Sa biglang tingin, ito ay hindi maganda, pero ito ay senyales na ang malalaking suwerte ay darating na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-18-25-28-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itinatago mo ang lungkot sa pagkukunwaring ika’y masaya. Kapag nanatiling nakatago ang iyong lungkot, wala kang magagawa kundi ang maghanap ng bagong mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-20-27-37-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit pa sumikip ang landas ng buhay na iyong tinatahak. ‘Wag mo pa ring kalimutang magpakasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-25-35-39-44.








Comments