Holdaper timbog
@Balitang Probinsiya | December 23, 2022
CEBU—Isang holdaper na nangholdap sa convenience store ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa A.C. Cortes Ave., Mandaue City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Richard Baring, nasa hustong gulang at residente ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat, pinasok ng holdaper ang convenience store at saka hinoldap ang kahera gamit ang dala niyang patalim.
Nang malimas ang pera sa kaha at tangayin ang cellphone ng hindi pinangalanang kahera ay mabilis na tumakas ang suspek.
Nabatid na agad nakahingi ng tulong sa pulisya ang kahera at sa mabilis na responde ng mga awtoridad ay nadakip ang holdaper na nahaharap sa kasong robbery.



Comments