Holdaper tiklo sa hideout

@Balitang Probinsiya | January 12, 2021
CAPIZ—Isang holdaper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Lawaan, Roxas City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Michael Piedad, 20-anyos at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alamang dinakip ng pulisya si Piedad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sa lalawigan.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ni Piedad kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing lugar.



Comments