top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Holdaper pumalag, dedo sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 16, 2023



SOUTH COTABATO—Isang hindi kilalang holdaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sangat, Mlang sa lalawigang ito.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.


Nabatid na hinoldap ng suspek ang isang gasolinahan sa nasabing barangay, pero nakapag-report agad sa pulisya ang kahera ng gasoline station.


Agad rumesponde ang mga awtoridad at dadakpin sana ang suspek, pero pinagbabaril nito ang mga operatiba.


Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Napag-alaman na nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page