Holdaper, dedbol sa shootout
@Balitang Probinsiya | June 21, 2023
BATAAN -- Isa sa dalawang hindi kilalang holdaper ang napatay nang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Balsik, Hermosa sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na holdaper.
Ayon sa ulat, hinoldap ng dalawang suspek ang isang convenience store, at papatakas na ang mga ito nang dumating ang mga rumespondeng tauhan ng pulisya, pero sa halip na sumuko ay pinagbabaril ng mga holdaper ang mga awtoridad.
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang isa sa holdaper, at nakatakas naman ang isa pang suspek.
Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.



Comments