top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Holdaper, binoga ng parak

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 13, 2023


QUEZON—Isa sa dalawang holdaper na nagtangkang manlaban ang sugatan nang barilin ng isang pulis kamakalawa sa Bgy. Talisay, Tiaong sa lalawigang ito.


Ang suspek na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang binti ay nakilalang si Christopher Perez, 25, samantalang nakatakas naman ang kasamahan nitong holdaper na si alyas "Liokay."


Ayon sa ulat, isang biktima ng panghoholdap ang humingi ng tulong sa pulisya kaya tinugis ng mga awtoridad ang dalawang holdaper, pero si Perez lang ang inabutan at mabilis na nakatakas si "Liokay".


Nabatid na tinangka ni Perez na agawin ang baril ng isang pulis kaya napilitan ang isang operatiba na barilin ito sa binti.


Agad dinala ng mga awtoridad si Perez sa ospital at ginagamot na ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page