top of page

Hirit ni Quiboloy na piyansa, ibinasura

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22
  • 1 min read

ni Madel Moratillo @News | July 22, 2025



Photo File: Senate of the Philippines



Ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 ang hiling ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito na makapagpiyansa sa kinakaharap na qualified human trafficking cases. 


Sa resolution ng korte, nakasaad na ibinasura ang petition for bail dahil nakapagprisinta ang prosekusyon ng mga ebidensya ng malakas na guilt ng mga akusado. 


"Thus, given these pieces of evidence against all the accused at this point which establish a great presumption of guilt for purposes of bail, the court must deny their petitions for bail," bahagi ng nakasaad sa resolusyon ni acting Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa.  


Nilinaw naman ng korte na hindi ito nangangahulugan ng determinasyon sa ultimate outcome ng kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page