Hinihinalang bomb-maker, arestado sa Palawan
- BULGAR

- Aug 8, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 8, 2020

Inaresto ng awtoridad ang isang banyaga na hinihinalang bomb-maker sa Puerto Princesa City, Palawan noong Huwebes ng hapon.
Nakumpiska ng awtoridad ang 2 improvise explosive devices sa Pakistani na kinilala bilang si Haroon Bashier matapos ang isinagawang search warrant sa kanyang inuupang bahay sa Barangay San Jose.
Saad ni Officer-in-Charge of Puerto Princesa City Police Office Col. Segio Vivar, Jr., "This is a high-profile case so we were very careful.”
Samantala, pinabulaanan ng banyaga ang naturang akusasyon at aniya, "I don't have a bad record... I don't why and who talked about this.”





Comments