top of page

Hinaing ng mga frontliners, binuweltahan…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2020
  • 1 min read

“BAKIT IPINAALAM MUNA SA BUONG MUNDO BAGO KAY P-DUTERTE” — ROQUE

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 3, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Kinuwestiyon ng Palasyo ang mga medical frontliners kaugnay ng kanilang naging hinaing sa laban ng bansa kontra-COVID-19 pandemic dahil sa diumano’y si Pangulong Rodrigo Duterte ang huling nakaalam ng tungkol dito.

Saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, "Ibinigay natin lahat ng gusto ng mga frontliners dahil kinikilala natin kayo bilang bagong bayani.

"Pero tingin ko, dapat sagutin nila: Why was the President the last to know about their demands at ipinaalam muna nila sa buong mundo bago nila ibinigay kay Presidente iyong gusto nilang mangyari?"

Samantala, paglilinaw naman ni P-Spokesperson Roque, "Hindi naman po siya (Presidente) maramdamin. Totoo po iyan, talaga namang ang mga kritiko ng gobyerno pagsasamantalahan itong pandemya.

“Sabi lang niya, nako sige na fast forward na natin. Gusto n’yo talaga n’yan, gusto ninyong palitan ako, gusto n’yong magrebolusyon, ngayon na.”

Nitong Linggo, sa televised announcement ni P-Duterte, aniya sa mga medical frontliners, “Next time, you can ask for an audience. Pero 'wag ho kayong magsigaw-sigaw, rebolusyon, rebolusyon."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page