top of page
Search
  • BULGAR

Higit 5 milyon, tigil-eskuwela — DepEd

ni BRT | July 5, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Posibleng umabot sa mahigit 5 milyon ang hindi makakapag-aral sa papasok na school year batay sa pagtataya ng Department of Education (DepEd).

Lumalabas na nasa 5.4 milyong kabataan umano ang hindi makakapag-aral ngayong taon, kung susundan ang kanilang target sa papasok sa school year.


Target ng gobyerno na makapagpa-enroll ng 80 porsiyento ng bilang ng mga estudyanteng nag-aral noong nakaraang taon.


Sa datos ng DepEd, lumalabas na nasa 27 milyong estudyante ang nag-enroll noong nakaraang taon. At kung susumahin, aabutin ng 21.6 milyon ang mag-aaral na target ng DepEd na makapag-enroll sa papasok na school year, at nasa 5.4 milyon ang posibleng hindi makapag-aral sa parehong panahon, kung susundan ang komputasyon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page