Helper, tinaga sa ulo ng kainuman
@Balitang Probinsiya | July 3, 2023
AKLAN -- Isang helper ang sugatan nang tagain sa ulo ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Camanci, Numancia sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reden Casimero, at ang suspek ay si Russel Salinas, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang kumuha ng itak ang suspek at tinaga sa ulo ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder at illegal possession of deadly weapon.



Comments