top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Helper tepok sa nakaparadang truck

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 27, 2023


AKLAN—Isang helper ang namatay at sugatan naman ang isang driver nang bumangga ang kinalululanan nilang pick-up sa isang nakaparadang trak kamakalawa sa Bgy. Naisud, Ibajay sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Tom dela Tonga, 31, samantalang ang sugatan ay ang driver ng pick-up na si Peter Flores, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.


Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Flores sa pagmamaneho ng pick-up habang kasama si Dela Tonga kaya bumangga sila sa isang nakaparadang trak.


Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Dela Tonga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page