top of page

Hello Kitty Baking tools set, perfect sa mga aspiring baker

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh - | July 19, 2020




Isa sa mga naging libangan ng mga Filipino ngayong quarantine ang baking. Kaya naman, kabi-kabila ang bili ng mga kagamitan at ingredients para masimulan na ang pagluluto ng mga pastry.


Siyempre, mas gaganahan tayong magluto lalo na kung ang gamit natin pang-bake ay cute at favorite nating cartoon character. H’wag mag-alala dahil may namataan na naman ang ating matanglawin sa Instagram kung saan nagbebenta ng Hello Kitty Set ng baking tools!


Yes mga bes, perfect na perfect sa mga hello kitty lover nating mars! Ito ay ang Baking Essentials 2020! Naglabas ito ng bagong line with collaboration sa Hello Kitty.


Super cute at super nice sa pink nitong kulay. Siguradong kahit ang mga bagets ay magugustuhan ang pag-bake dahil sa baking tools na ito.


Available sa kanila ang mixing bowl, pot holder, cupcake liner, spatula, whisks, measuring spoon at marami pang iba.


Kaya naman bisitahin na ang kanilang Official Instagram account sa @bakingessentials2020 para makabili at makita ang mga cute at collectible design na kukumpleto sa inyong hello kitty collection.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page