"Helen" nakalabas na ng PAR, bagong LPA sa labas ng PAR, sinusubaybayan
- BULGAR

- Aug 18, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | August 18, 2020

Ayon sa Pagasa, lumabas na sa LPA ang tropical depression "Helen" kaninang umaga ngunit may binabantayang bagong LPA sa labas PAR.
Dagdag pa nito, umalis ang "Helen" sa northwestern boundary ng ala-1 ng madaling araw, na namataan sa 395 kilometro sa Basco Batanes.
Habang ang bagong LPA ay natagpuan sa silangang bahagi ng Mindanao ng alas-2 ng madaling araw.
Sinabi ni Aldczar Aurelio, "Bagamat malayo itong LPA sa ating bansa, ‘yung extension area or trough nitong LPA ay nakakaapekto sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao,”
Asahan naman maulap na panahon, kalat kalat na pag-ulan at bagyo sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, and Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa southwest monsoon o “habagat.”
Gayundin, makararanas ng maulap na panahon, kalat kalat na pag-ulan at bagyo sa Caraga, Northern Mindanao at ilang bahagi ng Visayas dala ng LPA.
Makararanas naman ng maulap na panahon at pabugso-bugsong pag-ulan ang Metro Manila at ibang lugar.
Forecast temperature range in key cities/areas:
Metro Manila: 25 to 31 degrees Celsius
Baguio City: 16 to 24 degrees Celsius
Laoag City: 24 to 31 degrees Celsius
Tuguegarao: 23 to 33 degrees Celsius
Legazpi City: 25 to 32 degrees Celsius
Puerto Princesa City: 24 to 31 degrees Celsius
Iloilo City: 25 to 31 degrees Celsius
Cebu: 24 to 31 degrees Celsius
Tacloban City: 25 to 31 degrees Celsius
Cagayan De Oro City: 23 to 32 degrees Celsius
Zamboanga City: 23 to 32 degrees Celsius
Davao City: 25 to 32 degrees Celsius





Comments