Health worker, patay sa ambush
@Balitang Probinsiya | October 25, 2023
SOUTH COTABATO -- Isang health worker ang namatay sa pang-a-ambush at pamamaril ng dalawang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Lumakit, Polomolok sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ezekiel Evangelista, 42, municipal health worker at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Evangelista ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments