top of page
Search
  • BULGAR

Health at nutrition ng Esports players, dapat na prayoridad

ni Gerard Arce - @Sports | August 7, 2020




Habang lumalago ang bilang ng mga naglalaro ng tinaguriang pampalakasan ng makabagong henerasyon – ang Electronic Sports o E-Sports – tumataas rin umano ang mga panganib sa mga kabataan pagdating sa lagay ng kanilang kalusugan dahil sa maling pagpapatakbo ng kanilang pamumuhay.

Naging mainit na usapin ngayon ang peligrong dulot ng hindi maayos na ‘lifestyle’ ng ilang mga manlalaro nito, partikular na ang mga nahuhumaling ng todo sa mga online games gaya ng Mobile Legends: Bang Bang, Dota 2, League of Legends, PUB-G, Age of Valor, Call of Duty at marami pang iba, na binabalewala ang importansya ng maayos na pangangatawan higit na ang pisikal na pag-eehersisyo, tamang nutrisyon at balanseng pagkain.

Nitong nakalipas na araw ay napabalitang nagdesisyon na ang batikang Chinese online gamer na si Jian “Uzi” Zihao na iwanan na ang mundo ng gaming nitong Hunyo kasunod ng pagkakaroon ng Type 2 Diabetes dulot umano ng, “chronic stress, obesity, irregular diet, staying up late and other reasons,” gayundin ang nakuhang hand injury. Ang 23-anyos na binansagang “icon” ng League of Legends ay tinatantiyang tumatabo ng $1.1 billion na kita ngayong taon ayon sa industry analyst firm na Newzoo.

“This is exactly the kind of issues we want to correct under Federated esports. Esports inclusion in the traditional sports setting will sternly be promoting health and wellness for all our athletes,” wika ni National Electronic Sport Federation of the Philippines (NESFP) Secretary-General Arvin Juban mula sa panayam ng Bulgar sa online interview. “We still need to do a lot of exercise, having a good nutrition and proper diet just like any other athletes,” dagdag nito.

Gayunman, isolated case lamang ito sa mga professional players ayon sa pag-aaral ng American Osteopathic Association dahil mahigit 500 galaw umano ang kayang isagawa ng mga manlalaro sa loob ng maraming oras.

Ayon kay Esports National Association of the Philippines (ESNAP) president Joebert Yu, nakikita nitong nagiging malaking problema ng ilang mga manlalaro ngayon, lalo na sa mga kabataan ay ang kawalan ng disiplina sa sarili at kawalan ng kontrol o tamang sistema sa paglalaro. Hindi na umano nagagampanan ng maigi ng ilan sa mga ito ang paglalaro sa tamang oras na nagdudulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan.

Personally, I think it’s still in the prerogative of the player on what he does on his/her body. Regardless of what he does, it is still depend on someone’s precautions. I’m sure there are a lot of things you do that sometimes makes you unhealthy or look unhealthy,” pahayag ni Yu sa panayam sa telepono. “That is their lifestyle. Nagkakasakit sila or sometimes may nababalitang may sumssakabilang-buhay kase di sila natutulog o kumakain ng tama,” dagdag nito.

Nais rin ipagtanggol ni Yu ang panig ng kanilang pampalakasan hinggil sa ‘stigma’ ng ibang tao kung bakit nasisisi sa mga nangyayari sa mga naglalaro ng E-Sports.

Minsan lang talaga mabilis nasisisi kase it’s like a ‘traditional answer’ yung tipong kaya siya nagkakasakit kase kakalaro ng computer. At the end of the day, it depends on what you put on your body,” eksplika ng 38-anyos na miyembro rin ng isa pang grupo na Philippine E-Sports Organization (PESO). So for me, it has his decision to play for that long hours. I don’t think na hindi siya pinuwersa ng iba para gawin iyon, kaso makikinig ba sila kung sakaling pagsabihin sila. Everyone will promote health living, all federation, pero ang tanong susunod ba sila.”

Sa isang report na lumabas ay inamin ni Chris Chan, presidente ng bagong tatag na Global Esports Federation (GESF) na kailangan na umanong tugunan ang problema sa pangkalusugan ng mga manlalaro ng E-Sports dahil dapat na tutukan din ang pisikal na aspeto at well-being ng isang E-Sports athlete.

It’s about time that in eSports we looked into all this,” saad nito sa panayam ng AFP.”We’re all pulling in different directions now. Nobody’s addressing the diversity… the fair play, the health. Aiming to be a platform for the ecosystem to bring some credibility to the sports.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page