top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hayskul, tiklo sa marijuana

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 12, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang high school student ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana, kamakalawa sa loob ng isang classroom ng paaralan sa Talisay City sa lalawigang ito.


Dahil menor-de-edad, hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.


Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may dalang illegal drugs sa classroom ang estudyante, kaya agad rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at nakumpiska sa suspek ang isang sachet ng marijuana.


Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang suspek para malaman kung sino ang nagbenta sa kanya ng droga.


Nahaharap ngayon ang estudyante sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page