top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Halos P100-B halaga ng ilegal na droga nasamsam, tindi!

BULGAR
Jun 23, 2022
1 min read

@Editorial | June 23, 2022


Kabuuang P89.79 bilyong halaga ng iba’t ibang ilegal na droga ang nasamsam sa bansa.


Ito ay isang buwan bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, na una nang naglusad ng giyera kontra ilegal na droga.


Sa huling Real Numbers data na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa halaga ng mga droga na nakumpiska, P77.01 bilyon ay shabu.


Napag-alamang sa pagsisimula ng administrasyong Duterte noong 2016 hanggang nitong Mayo 31, sinira ang may 8,194.89 kilo ng shabu, 5, 111.76 kilo ng marijuana, 23.70 kilo ng ecstasy, 534.20 kilo ng cocaine at 3,491.23 kilo ng iba pang droga.


Bukod dito, 1,197 drug dens ang nadiskubre, gayundin ang 19 laboratoryo ng shabu, 15,271 high-value targets naman ang naaresto.


May 6.252 drug suspects naman ang napatay sa 239,218 operations.


Kabuuang 25,361 sa 42,045 barangays sa buong bansa ang idineklarang drug-cleared, 6,753 naman ang drug-free at 10,112 barangays ang may isyu pa sa droga

Matindi pa rin talaga ang ilegal na droga sa bansa, tila hindi natinag ang mga drug lords, tulak at adik sa babala ng Pangulo. Marami pa rin ang nakakalusot.


Nakapanlulumo dahil sa kabila ng kahirapan, marami pa rin ang nagbibisyo. Sa kabila ng paghihigpit at pagbabantay ng gobyerno, marami pa rin ang nakakapuslit.


Sana sa susunod na administrasyon ay maging mas matapang at mautak na ang mga alagad kontra droga.


Isa ito sa mga salot sa lipunan na kung tuluyang mawawala ay giginhawa na ang bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page