Habal-habal driver huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | November 13, 2022
AKLAN—Isang habal-habal driver na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Balabag, Boracay Island.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Mardy Lazaro, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay kaya nadakip dito ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments